Nene ni-rape slay ng adik

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 13-anyos na babae ma­tapos na halayin ay pi­nagsasaksak at ginilitan ng adik sa bawal na gamot sa na­ganap na karahasan sa Barangay Kalubniohan Del Pilar, Garchetorena sa Camarines Sur.

Bandang alas-7 ng gabi nang matag­puan ang bangkay ni Josie De Quiroz habang tugis na­man ng pulisya ang suspek na si Erik Torres.

Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na pa­pauwi dakong alas-3 ng hapon.  - Ed Casulla

Show comments