Holdap sa harap ng presinto

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang holdaper matapos na biktimahin ang pasahero ng bus sa harapan ng presinto ng pulisya sa Brgy. Bañga sa bayan ng Meycauayan, Bulacan kahapon. Pormal na kakasuhan ang suspek na si Ronald Arriola, 34, tubong San Fabian, Pangasinan at nakatira sa Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan. Sa imbestigasyon ni PO1 Melvin Rogero, lulan ng Pamana Bus Liner si John Angelo Gracilla nang holdapin ng suspek. Nakahingi naman ng saklolo ang biktima sa pulisya. Narekober sa suspek ang pera at ari-arian ng biktima maging ang patalim na ginamit nito sa modus operandi. Boy Cruz

Show comments