CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 32-anyos na mister makaraang pagtatagain at pagsasaksakin ng mag-ama kamakalawa ng hapon sa Barangay Hobo sa bayan ng Minalabac, Camarines Sur. Nagkagutay-gutay ang katawan ni Sonny Perez, 32, may asawa, manggagawa habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Rogelio Tigue, 47; at Rolly Tigue, 21. Base sa police report, lumilitaw na nagkainitan ang biktima at mga suspek kaugnay sa personal na alitan sa kani-kanilang pamilya hanggang sa maganap ang pamamaslang. Ed Casulla