Waitress binigti ng lover

BULACAN  , Philippines — Pinanini­walaang matinding selos ang isa sa motibo kaya binigti ang isang waitress ng kanyang lover sa loob ng hotel noong Huwebes ng madaling-araw sa Ba­rangay Saluysoy sa Mey­cauayan City, Bulacan.

Kinilala ni P/Supt. Noli Pacheco ang biktima na si Jenny Salto, 33, hiwalay sa asawa, ng Brgy. Viente Reales,Valenzuela City ha­bang nakakulong naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Angelo Ray­mundo, 34, may-asawa, ng Constantino Subdivision sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Ayon kay PO1 Fulgen­cio Moren, nag check-in ang dalawa sa hotel sa kahabaan ng Mac Arthur high­way kung saan tumu­loy sa room #2.

Ilang oras pa ang naka­lipas ay napansin ng room boy na biglang lumabas ang suspek saka sumakay sa pag-aaring traysikel (RT5399)

Kaagad namang pi­nuntahan ng ilang room boy ang inupahang kuwar­to ng mag-lover kung saan walang sumasagot mata­pos sunud-sunod na ka­tukin.

Dito na binuksan at na­natagpuan ang babae sa loob ng shower na binigti.

Narekober ang personal na ilang gamit ng biktima kabilang na ang cell phone kung saan sa beripikasyon ng pulisya sa LTO kaugnay sa traysikel na ginamit ay natunton ang bahay ng suspek. Boy Cruz

Show comments