Binatilyo lasog sa granada

BULACAN, Philippines — Nalasog ang katawan ng isang binatilyo habang pitong iba pa ang malubhang nasu­gatan makaraang masabu­gan ng granada na sinasa­bing nilaro ng senglot sa inuman sa Barangy San Juan sa bayan ng San Miguel, Bula­can kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Nathaniel Santos, 15, habang gina­ga­mot naman sa San Miguel District Hospital sina Adrian De Dios, 17; Alvin Matias, 33; Jayson Ven­turina, 17; Ronnie San­tos, 28; Emmanuel Tan­teco, 18; Wilson Matias, 16; at si Walter Nuñez, 17. Base sa police report, nag-iinuman ang pitong kalalakihan sa gilid ng ilog sa Sitio Centro nang duma­ting si Ronnie Santos. Matapos ma­kainom ng alak ay pinagyabang at pinaglaruan ang hawak na granada ni Santos kung saan biglang natanggal ang safety pin nito at ka­sabay ang malalakas na pagsabog. Boy Cruz

Show comments