^

Probinsiya

Shootout: SWAT dedo

-

BATANGAS , Philippines  – Walang nagawa kay kamatayan ang isang bagitong pulis na rumesponde lamang sa kaguluhang naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Boot sa Tanauan City, Batangas. Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director ang napaslang na si PO1 Bren Sumadsad ng Silang, Cavite at nakatalaga sa Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Tanauan City.

Nakatang­gap ng text message ang pulisya kaugnay sa mga kala­lakihang nagpapaputok ng baril habang nag-iinuman ng alak sa nabanggit na barangay. Kaagad naman rumesponde ang SWAT team sa pangunguna ni P/Senior Insp. Alfie Salang, kung saan papalapit pa lang sa nabanggit na lugar ay nagpu­lasan na ang mga kalalakihan. 

Habang sinusuyod ng SWAT team ang mga bahay, biglang may nagpaputok ng baril at tinamaan sa likuran si PO1 Sumadsad. Idineklarang patay sa CP Reyes Hospital si PO1 Sumadsad.

Iniimbestigahan naman ngayon sa presinto sina Pedro de Chavez, Erwin de Chavez, Erickson De Chavez, Erish Glen De Chavez at Ronald Barrion na sinasabing nasa crime scene. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ALBERTO SUPAPO

ALFIE SALANG

ARNELL OZAETA

BATANGAS

BREN SUMADSAD

CHAVEZ

ERICKSON DE CHAVEZ

ERISH GLEN DE CHAVEZ

REYES HOSPITAL

RONALD BARRION

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with