Mag-ina kinatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  – Pinag­sasaksak at napatay ang mag-ina ng akyat-bahay kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Villa Ino­cencio sa bayan ng Placer, Masbate.

Kinilala ng pulisya ang mag-inang napaslang na sina Maryjane Marcaida, 24, 8-buwang buntis; Es­trella Marcaida, 48, ha­bang ginagamot naman sa Mas­bate Provincial Hospital ang sugatang si Niel Mar­caida, 19.

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang sus­pek na si Mark Christopher Ceniza, 20.

Napag-alamang bago mamatay sa ospital si Maryjane ay binanggit nito sa pulisya ang pangalan ng suspek kung saan iniimbestigahan ng pu­lisya.

Show comments