Mag-ina kinatay
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Pinagsasaksak at napatay ang mag-ina ng akyat-bahay kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Villa Inocencio sa bayan ng Placer, Masbate.
Kinilala ng pulisya ang mag-inang napaslang na sina Maryjane Marcaida, 24, 8-buwang buntis; Estrella Marcaida, 48, habang ginagamot naman sa Masbate Provincial Hospital ang sugatang si Niel Marcaida, 19.
Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang suspek na si Mark Christopher Ceniza, 20.
Napag-alamang bago mamatay sa ospital si Maryjane ay binanggit nito sa pulisya ang pangalan ng suspek kung saan iniimbestigahan ng pulisya.
- Latest
- Trending