2 sugatan sa pamamaril sa rally

MANILA, Philippines - Matinding tensyon ang bumalot sa proclamation rally ng re-electionist na mayor ng Nacionalista Party (NP) ni Presidentiable Manny Villar makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na ikinasugat ng dalawa nitong supporter sa naganap na karahasan sa plaza ng Jasaan, Misamis Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Kabilang sa mga tinamaan ng ligaw na bala ay sina Edgar Isanan, 25; at Flora Ellezo, 50, kung saan isinugod sa Jasaan Community Hospital.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na abala ang partido ni Mayor Redentor Jardin sa proclamation rally sa entablado ay biglang nag-brownout. Kasunod nito, umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan sugatan ang dalawang supporter ni Mayor Jardin. Joy Cantos

Show comments