8 tiklo sa illegal fishing

BATANGAS — Walo-katao na sinasabing nag­sasagawa ng illegal fishing ang naaresto ng pulisya at mga tauhan ng bantay sa karagatang sakop ng Sitio Campanario, Barangay Payapa sa bayan ng Na­sugbu, Batangas kamaka­lawa ng umaga.

Pormal naman kinasu­han ang mga suspek na sina Joel Borja, 40, boat cap­tain, ng Ayam St, Da­gat-dagatan, Navotas, Me­tro Manila; Ronnie Calong, 39; Rocky Ursal, 24; Baldo Maglinte, 32; Roger Roa, 27; Alex Bueno, 32; Jhirey Teorica, 22; at si Christopher Quisol, 30, pawang nakatira sa Navotas, Metro Manila.

Ayon sa ulat nina SPO1 Nonilon Cabadin at Marlon Limboc ng Bantay Dagat, ang mga suspek na lulan ng F/V Queen Eliosa ay ma­aktuhang gumagamit ng Hulbot-Hulbot na pangi­ngisda kung saan ipinagba­bawal ng municipal ordinance.

Nakumpiska sa mga suspek ang 25 kilo ng ibat ibang isda, isang yunit ng Hulbot-hulbot fishing gear at bangkang pangis­da.

Arnell Ozaeta

Show comments