Barilan sa proclamation rally: Bodyguard ng mayor dedo, 4 pa sugatan

BATANGAS CITY, Ba­tangas —Karahasan ang bumulaga sa kalagitnaan ng proclamation rally ng mga lokal na kandidato makaraang pagbabarilin at mapatay ang alalay ng al­kalde kung saan ikinasugat ng apat na sibilyan sa ba­yan ng Calatagan, Batan­gas kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo at katawan si Valentino Tagui­bao, 43, ng Barangay Tali­say sa nabanggit na bayan at close-in bodyguard ni Calatagan Mayor Sophia Palacio.

Sugatan naman sina Ernesto Delos Reyes, 59, ng Barangay Biga at campaign manager ni Mayor Palacio; Adrian Custo­dio,10; Nean Basit, 8; at si Princess Custodio,12.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director, lumilitaw na nag­sasagawa ng proclamation rally ang grupo ni Mayor Palacio sa basketball court sa Barangay Balibago nang maganap ang pama­maril bandang alas-9 ng gabi.

Naisugod naman sa Madonna Hospital sa ba­yan ng Balayan ang mga su­gatan matapos tamaan ng ligaw ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Maliwanag na pulitika ang nakikitang dahilan ng pamamaril kung saan patu­loy ang imbestigasyon.

Show comments