^

Probinsiya

Bahay ng kandidato grinanada

-

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang kandidatong mayor sa bayang ito ang nabahala ma­tapos pasabugan ng gra­nada ang kanyang tahanan ilang araw bago nagsimula kahapon ang unang araw ng kampanya ng mga kalahok sa halalang lokal.

Ayon sa naantalang ulat ng pulisya, ang tahanan ni Atty. Virgil Castor, 60, resi­dente ng Barangay Pobla­cion North ng bayang ito ay hina­gisan ng granada noong Lunes ng gabi.

Walang nasaktan sa in­si­dente subalit winasak ng gra­nada ang bubungan ng kan­yang kapitbahay na si Fausto Bumatay.

 Tumawid man umano ang granada at sumabog sa bu­bungan ng kanyang kapitba­hay, malaki ang paniniwala ni Castro na siya ang puntirya ng mga suspek kung saan nasira rin ang salamin ng kanyang bahay. Sinabi naman ng pu­lisya na wala pang malinaw na motibo o kung sino man ang suspek na nasa likod ng pag­sabog. Victor Martin

vuukle comment

AYON

BARANGAY POBLA

FAUSTO BUMATAY

ISANG

NUEVA VIZCAYA

SHY

SINABI

TUMAWID

VICTOR MARTIN

VIRGIL CASTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with