^

Probinsiya

Estudyante todas sa habulan

-

ANTIPOLO CITY, RIZAL, Philippines — Isang 18-anyos na estud­yante ng La Salle College-Antipolo ang na­sawi maka­raang mabaril habang nakiki­paghabulan sakay ng motor­siklo kama­kalawa ng gabi sa lunsod na ito.

Hindi na umabot nang bu­hay sa Manila East Me­dical Center sa Taytay ang bikti­mang si Pete Gerard Ocam­po ng Barangay Be­verly, ng nabanggit na lungsod. Nag­tamo ito ng tama ng bala sa likuran buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat ng Rizal Provincial Police Office, naganap ang in­sidente dakong alas-10:45 ng gabi sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension sa Baran­gay Beverly.

Huling nakitang buhay si Ocampo na kaangkas sa isang motorsiklo na minama­neho ng 17-anyos na si Mi­guel Franco Maglanoc kung saan hinahabol naman sila ng dalawang lalaki sakay rin ng isang motorsiklo.

Bigla umanong nakarinig ng putok ng baril ang mga re­si­dente kung saan bumu­lagta ang biktima. Hinabol na­­man ng mga otoridad ang mga sus­pek ngunit naga­wang maka­takas ng mga ito sa maluwag na seguridad sa naturang lugar. Danilo Garcia

vuukle comment

BARAN

BARANGAY BE

DANILO GARCIA

FRANCO MAGLANOC

LA SALLE COLLEGE-ANTIPOLO

MANILA EAST ME

ORTIGAS AVENUE EXTENSION

PETE GERARD OCAM

RIZAL PROVINCIAL POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with