3 dinedo sa videoke bar
MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang dalawang sundalo ang iniulat na napaslang habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan loob ng videoke bar sa bisinidad ng Barangay Lapasan sa Cagayan de Oro City kahapon ng madaling-araw. Kabilang sa mga namatay ay sina Corporal Roque Tagalongan, Sergeant Michael Seno, at si Leo Acedo na pawang nakatalaga sa Army’s 45th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Samantala, nasa kritikal na kondisyon sa Northern Mindanao Medical Center si Junjun Sabala. Sa police report na nakarating sa Camp Crame. Lumilitaw na nakasagutan ng mga biktima ang grupo ng kalalakihan sa C & N Videoke House sa kahabaan ng Agora Road bandang alas-2:50 ng madaling-araw. Dito na nagbunot ng mga baril ang grupo saka niratrat ang mga biktima kung saan sinamantala naman ng grupo ang pagkakagulo ng mga customer sa kanilang pagtakas. Joy Cantos
- Latest
- Trending