12 kasapi ng budol-budol tiklo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Nagwakas ang modus operandi ng labindalawang miyembro ng Foraque Budol-budol Gang matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bisinidad ng Barangay Cari­caran, Bacon District, Sorsogon City kahapon ng umaga.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ludy Fo­raque, 38, lider ng grupo; Nelson Castillo, 33; Ronald Pal­mones, 32; Bryan Albert Martinez, 28; Salvador Cruz, 31; Erlinda Himson, 46; Chito Manaba, 45; Ian Rosales, 28; Elbin Muries, 28; Marlon Cruz, 32; at si Lito Miranda. 38.

Sa police report, ang grupo ng mga suspek na matagal nang minomonitor ng pulisya ay nasabat sa Comelec checkpoint habang lulan ng L300 van na may plakang XPV960 kung saan nakumpiskahan ng baril at mga bala. Ed Casulla

Show comments