Magka-live-in tulak 'sinalvage'

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines  — Pinaniniwa­laang naging biktima ng summary execution ang magka-live-in partner na sinasabing sangkot sa pagtutulak ng bawal na droga kung saan natag­puan ang mga bangkay sa gilid ng sapa sa bayan ng Rosario, Cavite kama­ka­lawa ng umaga.

Base sa police report, posibleng biktima ng salvage sina Bernard “Wise” Atangan at Cheycelyn “KC” Candaza na kapwa residente ng Barangay Wawa 3 sa nabanggit na bayan.  

Bandang alas-5 ng uma­­ga nang matagpuan ang bangkay ni Candaza na may nakapako na papel sa kanyang ulo na may nakasulat na - “ huwag n’yo ako tularan, pusher ako”.

Sa talaan ng pulisya, si Candaza ay naimbes­ti­gahan na rin sa himpilan ng pulisya  sa bayan ng Rosa­rio matapos masang­kot sa pagbebenta ng bawal na droga.

Noong Linggo, isa pang bangkay ng lalaki na sina­sabing magnanakaw ang na­tagpuan sa bayan ng Bacoor at dalawang iba pang bangkay ng babae ang nakuha naman sa ibang lugar sa Cavite na pina­nini­walaang biktima ng summary executionArnell Ozaeta at Cristna Timbang

Show comments