Umawat sa gulo, niratrat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang barangay tanod na sinasabing umawat at nanita sa kaguluhan makaraang ratratin kahapon ng madaling-araw sa Sitio Aguadahan, Barangay Sawmill sa bayan ng Milagros, Masbate. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alfie Lagsa, 28,habang ang suspek na si Alvin Copino, 25, ay kasalukuyang tugis ng pulisya. Ed Casulla

Show comments