P.1M kable narekober

BULACAN , Philippines  —Kalaboso ang isa sa apat na kawa­tang kalalakihan maka­raang maaresto sa pagna­nakaw ng P.1 milyong halaga ng kable ng tele­pono sa Ba­rangay Kaypian sa San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Pormal na kinasuhan si Benjie Dela Rosa, 32, bi­nata, tubong Balanga City, Bataan at residente ng Brgy. Tigbe, Norzagaray Bu­lacan habang pinagha­hanap naman ang 3-kasa­mahan nito.

Ayon kay PO1 Rolex Visconde, si Benjie at tat­long kasama ay naaktu­hang nagpuputol ng kable ng telepono sa poste. Nang sitahin ng mga opis­yal ng barangay ay nag­pulasan kung saan nakor­ner si Benjie at narekober ang mga kable na kanilang ninakaw. Boy Cruz

Show comments