Pakistani nakapuga sa kidnapper

MANILA, Philippines - Isang 26 anyos na ne­gos­yanteng Pakistani national ang nakatakas sa kanyang mga kidnapper na pinag­hihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front rogue elements sa Datu Odin Sinsuat, Maguin­danao, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na sinundo ng grupo ni Cota­bato City Mayor Muslimin Se­ma at ng pulisya na si Wa­seem Sajjed Khan, residente ng Barangay Bulalo, Cota­bato.

Sinasabing dinukot si Khan sa Barangay Kuren­tem, Datu Odin Sinsuat may tatlong araw na ang na­kakalipas.

Nang makatulog ang mga kidnapper kamaka­lawa ng madaling-araw ay hindi na nag-aksaya ng pag­ka­kataon ang biktima na tu­makas sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana na nagtatakbo. Joy Cantos

Show comments