SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Sa wakas ay bumagsak na din sa kamay ng batas ang tinaguriang shabu queen sa siyudad sa isang drug buy bust operation ng pulisya sa isang Barangay San Manuel dito kahapon ng umaga.
Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Edwin Quilates kay OIC Provincial Director P/SSupt. Fernando Villanueva, kinilala ang suspek na si Saida Romeo, 37, may-asawa, residente ng Phase 12 Riverside, Barangay Bagong Silang, Caloocan City at nakatala sa order of battle ng lokal na pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency.
Nakumpiska sa suspek ang tinatayang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng .2 milyong piso kabilang ang P 200,000 cash at dalawang cell pone na ginagamit sa transaksyon ng iligal na droga. Boy Cruz