Shootout: Gun-for-hire dedo

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines -  Sementeryo ang binagsakan ng isang lalaki na sinasabing miyembro ng gun-for-hire syndicate matapos mapatay sa pakiki­pag­barilan sa mga pulis sa bisinidad ng Barangay Gulod sa bayan ng Cabuyao, Laguna kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director ang napatay na si Romeo Poveda na sinasangkot sa pagpatay sa presidentte ng asosasyon sa Cabuyao nasi Teodoro Batallones. Nabatid na sisitahin sana ng mga nagpapatrolyang pulis ang motorsiklo ni Poveda kasama ang isa pang lalaki nang biglang paputukan ang mga pulis hanggang sa nauwi sa shootout. Nakatakas naman ang kasama ni Poveda na lulan ng motorsiklo kung saan sugatan ang isang civilian police volunteer Peacekeeping Action Team (BPAT) na si Deomedes Banalo matapos tamaan ng ligaw na bala sa kanang braso. Arnell Ozaeta

Show comments