^

Probinsiya

Mga batang lider isinusulong

-

BATAAN, Philippines— Isinusulong nga­­yon ng mga residente na mga bago at batang lider ang kailangang maglingkod sa bayan para lalong mapaunlad at mabago ang kani-kanilang pamumuhay sa Bataan.

Ang sumisidhing hanga­rin at panawagan ay umus­bong dahil sa sermon ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani kaugnay sa mga politiko na sinasabing na­mi­mili ng boto para sa May 10 elections.

“Naniniwala kami sa pa­ngaral ni Bishop Bacani pero kung nabibili ang boto at handa namang magbayad ang mga pulitiko, mahirap mapatigil yan. ‘Yun lang na may matatag na prinsipyo ang aayaw sa pera ng kandidato na namimili ng boto sa ha­lagang P1,000 hanggang P2,500 bawat botante,” pa­hayag ng mga residente sa Balanga City. “Kapag hina­yaan pang manaig ang sina­sabing naghaharing political dynasty sa Bataan sa May polls, lalong titibay ang pagka­kasakal sa Bataan,” pahiwatig naman ng isang mamamayan sa nabanggit na lungsod.

Pinaniniwalaang tinutukoy ng mga residente ay ang ang­kan ng mga Garcia na ka­kan­didato sa May 10 polls. Base sa tala, si Mayor Joet Garcia III ay muling kakan­didato sa mayoralty race sa Balanga City habang ang utol na si Albert Raymond “Abet” ay muling tatakbo sa congressional race sa 2nd district at si Gila Garcia ay congressional bet naman sa 1st district.

“Pumili at iboto natin ang mga batang lider para palitan na ang sinasabing maka­pangyarihang political dynasty na matagal na ring nagha­haring-uri sa Bataan,” pa­hayag ng mga lider-politikal.

vuukle comment

ALBERT RAYMOND

BALANGA CITY

BISHOP BACANI

GARCIA

GILA GARCIA

ISINUSULONG

MAYOR JOET GARCIA

NOVALICHES BISHOP EMERITUS TEODORO BACANI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with