^

Probinsiya

Negosyanteng manugang ng mayor nilikida

-

BULACAN, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na negos­yante makaraang bigtihin at barilin sa loob ng kan­yang kotse sa bisinidad ng Ba­rangay Tabe sa bayan ng Guiguinto, Bulacan ka­ma­kalawa ng gabi.

Natagpuang patay sa loob ng Honda Civic (ZRU 296) ang bangkay ni Edwin Romeo San Diego na may-ari ng gasolinahan sa Mey­cauayan City, nakatira sa Sitio Kabilang Bakod sa Ba­rangay Sta. Rita at sina­sabing manugang ni Plaridel Mayor Tessie Vistan.

Ayon kay PO3 Mark Ma­naig, natagpuan ang bang­kay ni San Diego da­kong alas 6:50 ng umaga kaha­pon matapos mama­taan ng security guard sa ginaga­wang North­rail Transit ang nakapa­radang kot­se na umaandar pa ang makina.

Nabatid na napansin na ng security guard ang pre­sensiya ng kotse ng bik­tima noong Martes ng uma­ga ngunit hindi niya pinan­sin sa pag-aaka­lang pan­sa­man­talang iniwan ng may-ari dahil may mga ka­bahayan sa paligid nito.

Nang bumalik na sa pag­babantay kinabukasan ang security guard ay nanatili pa rin ang kotse ng biktima kaya kaagad na ipinaabot sa pu­lisya. May tama ng bala ng 9mm sa dibdib ang bikti­mang binusalan ang bibig at binigti na sinasabing may 20 oras nang patay sa loob ng kotse. Natagpuan sa loob ng kotse ang isang 9mm na baril, cell phone, pitaka at iba pang personal na gamit ng biktima. Boy Cruz

vuukle comment

AYON

BOY CRUZ

BULACAN

EDWIN ROMEO SAN DIEGO

HONDA CIVIC

MARK MA

PLARIDEL MAYOR TESSIE VISTAN

SAN DIEGO

SHY

SITIO KABILANG BAKOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with