Gusali gumuho: 5 manggagawa pisak

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamata­yan ng limang mangga­gawa sa construction site makaraang madaganan ng lupa na gumuho mula sa unang palapag ng gusali na kanilang hinuhukay sa isang subdivision sa Ba­rangay Agusan sa Caga­yan de Oro City kamaka­lawa ng hapon.

Idineklarang patay sa ospital si Eladio Tagle ha­bang namatay naman sa construction site sina Philip Goyo,19; Arman Cabasan, 22; Danny Loay, 18 ; at si Boning Abalo na pawang manggagawa ng Design Settlers Company Inc.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Benedicto Lopez na isinu­mite sa Camp Crame, lu­mili­taw na abala ang mga biktima sa paghuhukay sa construction site sa gina­gawang Taekwood Subdivision nang maganap ang trahedya.

Nabatid na gumuho ang unang palapag na may sukat na 8 metrong lalim sa gusaling itinatayo kung saan dumagan sa mga biktima.

Kaugnay nito, ipinata­wag na ng mga awtoridad ang mga opisyal ng subdivision project upang ma­bigyang linaw ang insiden­te na posibleng may kapa­ba­yaan ang mga ito na hu­mantong sa trahedya.

 “We are now looking if there are negligence on the Design Setters Company Inc., the construction firm working on the project,” pahayag ni Lopez.

Show comments