Mag-ama dedo sa mag-utol

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mag-utol na lalaki ang mag-ama na naghahapunan sa loob ng kanilang tahanan kama­kalawa ng gabi sa Sitio Gutusan, Barangay Cayabon sa bayan ng Milagros, Masbate. Magkasalong naghahapun ang mag-amang Rolando Bringuela at Rocky Bringuela, 2, nang rat­ratin ng mga suspek na sina Archie Padilla at Nongnong Padilla. Ayon sa police report, ang mga suspek ay dumaan sa kusina ng bahay ng mag-ama saka isinagawa ang pamamaslang. Ed Casulla

Show comments