CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 55-anyos na misis na naaktuhang nakikipag-inuman ng alak sa mga kalalakihan sa loob ng videoke bar ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang mister kamakalawa ng gabi sa Barangay Sagrada sa bayan ng Bagamanoc, Catanduanes. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ester Coral habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rollay Coral. Base sa police report, lumilitaw na namataan ng suspek ang kanyang misis na nakikihalubilo sa mga ‘di-pa kilalang lalaki sa videoke bar kung saan ay nakisalo pa sa inuman ng alak. Napag-alamang sinalubong ng suspek ang kanyang misis na inakalang may karelasyong ibang lalaki saka isinagawa ang krimen. Ed Casulla