Police major itinumba

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Tinambangan at napatay ang isang police major habang sugatan naman ang kasama nitong babae sa naganap na panibagong karahasan sa bayan ng Mabalacat, Pampanga. Sa naantalang ulat, kinilala ni P/Chief Supt. Arturo G. Cacdac Jr., director ng Central Lu­zon Regional Police Office, ang napaslang na si P/Chief Insp. Manuel Cordoviz Chica ng Central Luzon Drug Rehabilitation Center. Naisugod naman sa Saint Raphael Hospital sa Mabalacat ang kasamang babae na may edad na 17-anyos. Sa police report, lulan ng all-ter­rain vehicle ang dalawa patungo sana sa Sta. Lucia Resettlement Cen­ter sa Barangay Sta. Lucia, Magalang nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. Si Chica ay naging hepe ng pulisya sa bayan ng Sasmuan kung saan pinaslang ang correspondent ng TV network na si Vincent Rodriguez na sinasabing sniper ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan (RHB). Randy Datu

Show comments