Pari binantaan ng politiko

MASBATE CITY, Masbate, Philippines — Pinaniniwalaang may ba­hid poli­tika ang isa sa dahilan kaya nakatanggap ng pagba­banta sa buhay ang isang pari na tumatayong executive director ng Social Action Center makaraang makatanggap ng sobre na may bala ng Armalite rifle kamakalawa sa Mas­bate City, Masbate. Bandang alas-5 ng hapon nang iabot ang sobre na may bala kay Fr. Leo Casas ng Masbate City Cathedral. Napag-alamang inorganisa ni Fr. Casas ang Walk for Hope kaugnay sa mga karahasang nagaganap sa nabanggit na lung­sod dahil sa nalalapit na May 10 elections. May teorya si Fr. Casas na pananakot ng ilang politiko ang nasa likod ng pagpapadala sa kan­yang buhay. Maging ang Special Task Force Masbate ay patuloy ang im­bestigasyon kaugnay sa banta sa buhay ng nasabing pari. Ed Casulla

Show comments