11 sundalo dedo sa NPA rebs

MANILA, Philippines - Aabot sa labing-isang sundalo ang iniulat na nasawi habang pitong iba pa ang malubhang nasu­gatan makaraang makasa­gupa ang mga rebeldeng New People’s Army ka­hapon ng umaga sa liblib na bahagi ng Brgy. Panay­tayan, sa bayan ng Man­salay, Oriental Mindoro.

Sa phone interview, sinabi ni Col. Noel “Toods “ Detoyato, spokesman ng Army’s 2nd Infantry Brigade, na naganap ang ma­dugong bakbakan sa Sitio Mahilig, bandang alas-5:30 ng umaga.

Kasalukuyang nasa combat operations ang tropa ng 23rd Division Recoinnassance Company ng 2nd Infantry Division sa pamumuno ni 1st Lt. Ronnie Sipsip nang sumik­lab ang bakbakan sa loob ng tatlong oras. 

“The operation is part of our area security in line with the incoming start of the  campaign period for the local officials. The security patrol and the relocation of  troops is being im­plemented to ensure freedom  of movement of the  candidates when the campaign starts,” ani Detoyato.

Gayundin, upang hindi magbayad ng permit-to-campaign (PTC’s) at permit-to-win (PTW’s) ang mga kandidato sa mga rebelde kaya’t nagsasa­gawa sila ng opensiba laban sa mga kotongerong rebelde na nagsasaman­tala sa campaign period.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang pitong sundalo na nasugatan kung saan nagsiatras naman ang mga rebelde na bitbit ang mga nalagas at nasugatang kasamahan sa takot na maabutan ng reinforcement troops ng militar.

Patuloy naman ang hot pursuit operations laban sa mga nagsitakas na rebelde.

Show comments