^

Probinsiya

OFW itinumba

-

PILAR, Bataan, Philippines – Tatlong bala ng .45 kalibreng baril ang umutas sa buhay ng isang Overseas Filipino Worker mula sa dalawang hindi kilalang kalalakihan habang naglalaro siya ng tong-its sa loob ng compound ng Tuazon Family sa Barangay Sta. Rosa, Pilar, Bataan kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilala ni P/Sr.Supt. Arnold Gunnacao, Provincial Police Director, na si Oscar Tuazon Sr. y Bautista, 51 anyos, may-asawa, ng Purok Ibaba, Barangay Sta. Rosa.

Masayang naglalaro ng tong-its ang biktima sa loob ng compound ng Tuazon Family nang dalawang motorsiklo ang huminto sa harapan ng gate nito.

Pumasok ang dalawang suspek sabay bunot sa kanilang baywang ng kalibreng 45 baril at tatlong sunod na pinaputukan ang biktima hanggang sa ito ay bumulagta sa semento habang inatasan naman ng isa ang mga kalaro nito na dumapa.

Bago tumakas, kinuha pa ng mga suspek ang pitaka, gintong relo, kwintas na may pendant na ginto at gintong bracelet  ng biktima. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

ARNOLD GUNNACAO

BARANGAY STA

BAUTISTA

JONIE CAPALARAN

MASAYANG

OSCAR TUAZON SR.

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PROVINCIAL POLICE DIRECTOR

PUROK IBABA

TUAZON FAMILY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with