4 suspek sa murder dakma

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na kalalakihan na sinasabing mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang kawani ng munisipyo sa bayan ng Imus makaraang maaresto ng pulisya ka­makalawa sa bayan ng General Trias, Cavite. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina William Seachon, Erineo Pantoja, Jascer Celiteria, at Raymund Cortun. Ayon sa ulat, ang apat kabilang na si Chairman Seachon ay naaresto habang nagpupulong sa bahay ng una sa Barangay Pasong Camachile. Sa tala ng pulisya, ang mga suspek ay sangkot sa pagpatay sa kalihim ng barangay league na si Jeanette Nuevo sa bayan ng Imus noong Enero 22. Narekober sa mga suspek ang ilang granada, baril, mga bala at motorsiklo na ginamit sa krimen. Cristina Timbang

Show comments