Dalagita ni-rape ng 2 Pakistani
MANILA, Philippines - Bagsak sa kalaboso ang dalawang Pakistani ma karaang ireklamo ng panggagahasa ng isang 16-anyos na dalagita sa Brgy. Liboron, Carcar City, Cebu, ayon sa ulat kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Ahmael Ullah, 19; at Mohammad Nabiguil Nabi, 30. Ang mga suspek ay inireklamo ng kanilang maid na itinago sa pangalang Marianne na sinasabing pinilahan sa loob ng kanyang kuwarto may tatlong araw na ang nakalipas. Nang mabatid ng mga magulang ang naganap sa kanilang anak ay kaagad na dumulog sa himpilan ng pulisya kaya naaresto ang mga suspek. Joy Cantos
- Latest
- Trending