Mag-ina tinurukan ng pampatulog, dedo

BULACAN, Philippines – Nag-ala Michael Jackson ang pag­kamatay ng mag-ina na nakaratay sa ospital ma­karaang turukan ng pam­patulog ng isang nurse no­ong Biyernes ng Pebrero 26 sa Barangay Biñang 2nd sa bayan ng Bocaue, Bula­can.

Humihingi ng hustisya   sa kinauukulan ang mga kaanak ng mag-inang na­matay na sina Bernadette Mendoza, 22, isang registered nurse at ang bagong silang na si Cailin Giana Mendoza.

Si Bernadette na sina­sabing nakatakdang ma­nganak noong Huwebes ng gabi (Peb 25) ay inihatid sa St. Paul Hospital ng kanyang mister na si Jarwin at ipi-nag-bigay alam din kay Dra. Ana Peralta ang insidente kung saan nangakong susu­nod sa nabanggit na ospital.

Gayon pa man, lumabas na ang panubigan ni Ber­nadette ay hindi pa rin du­marating si Dra. Peralta sa ospital sa hindi nabatid na dahilan.

Agad namang ipinaabot ni Jarwin sa ilang nurse ang pangyayari kaya tina­wagan nila si Dra. Peralta.

Sa panayam kay Jarwin, inutusan ni Dra. Peralta ang ilang nurse na turukan ng pam­patulog si Bernadette at dalhin sa isang aircon room.

Dahil sa hindi nakaya-nan ni Bernadette ang kala­gayan ay tuluyan na itong bumigay kasama ang kan­yang sanggol sa sinapu­punan bandang alas-4:30 ng madaling-araw. 

Hindi naman tinanggap ni Jarwin ang paliwanag ni Dra. Peralta na dumating sa ospital na patay na ang kanyang mag-ina.

Kasunod nito ay pina­pirma si Jarwin ng waiver na sinasabing umiiwas sa res­ponsabilidad ang nabanggit na doktora.

Hanggang sa kasalu­kuyan ay hindi pa maka­pagbigay ang nasabing ospital ng medical abstract at death certificate kay Jarwin.

Samantala, may kuma-lat na balita na si Dra. Peralta ay lumabas na ng bansa at maging ang kan­yang opisina sa Barangay Lolomboy ay inalisan na ng karatula.

Show comments