Iniwan ni mister nag-suicide
RIZAL , Philippines — Dahil sa matinding selos sa nakitang text message ng karelasyong babae ng kanyang mister, nagsaksak sa sarili ang isang 32-anyos na misis sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal kamakalawa.
Kinilala ang nag-suicide na si Michelle Soriano ng Block 3, Lot 21, Palmera Woodland sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang nag-uusap ang mag-asawa nang tumunog ang cell phone ng lalaki kung saan naagaw at nabasa ng biktima ang mensahe buhat sa babae na sinasabing karelasyon ng kanyang mister.
Dito na nagtalo ang mag-asawa hanggang sa maghamon ng hiwalay ang lalaki kung saan hindi naman matanggap ng biktima ang pag-abandona sa kanya ng mister at saksakin ang sarili. Danilo Garcia
- Latest
- Trending