Inhinyero dinedo dahil sa proyekto

BULACAN , Philippines  – Matinding selos at panibugho ang sinasabing motibo kaya bi­naril at napatay ang isang 43-anyos na inhin­yero ng kanyang kabaro at dala­wang iba pa sa Brgy. Dulong Bayan, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo si Engr. Raul Parayno, 43, pro­ject engineer ng Villa Annapolis Subd. sa na­bang­git na bayan.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Randy Tuplano ng Tagay­tay Street, Brgy.127, Caloocan City at mag-utol na Sonny at Arnold Ba­lagtas na kapwa nakatira sa Don Jose St., Caloocan City.

Sa police report, isina­gawa ang krimen sa barrack ng nabanggit na ba­rangay kung saan sinun­dan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Lumilitaw sa imbestiga­syon ng pulisya na si Tu­plano ang naunang na­ging project manager subalit sa hindi malamang dahilan ay biglang pinaalis at ipinalit si Parayno.

Inaakala ng suspek na sinulot siya sa trabaho ng biktima na nagbunsod upang magtanim ito ng galit at isinagawa ang pama­maslang kasabwat na ang mag-utol.

Show comments