^

Probinsiya

Basilan attackers kakasuhan

-

MANILA, Philippines - Nagsasagawa na ng masusing case buildup ang pulisya upang kasu­han ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) rogue sa ba­yan ng Maluso, Basilan na kumitil sa 13 katao ha­bang mara­ming iba pa ang sugatan noong Sa­bado.

Ang case buildup ay alin­­sunod sa direktiba ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo na tugisin at arestuhin sa lalong mada­ling panahon ang Basilan attackers, ayon kay P/Senior Supt. Antonio Men­doza, Basilan police director.

Inihayag ni Rear Admiral Alexander Pama, hepe ng Naval Forces Western Mindanao at Task Force Trillium, patuloy ang open­siba ng tropa ng militar laban sa mga bandido na responsable sa madu­gong pag-atake.

Noong Sabado pasado alas-5 ng umaga ay sina­lakay ng pinagsanib na elemento ng Abu Sayyaf Group at MILF rouge elements sa pamumuno nina Abu Sayyaf Commander Furuji Indama at Dick Alao ang maliit na komunidad sa nasabing lugar kung saan nasawi ang 13 sibil­yan habang 10 iba pa ang nasugatan.

Ang mga bandido ay na­­sangkot din sa panu­nu­nog ng mga bahay ng resi­­dente kung saan nag­paulan rin ng punglo ang Maluso attackers sa mga ito.

Inihayag ni Mendoza, na nangangalap sila ng ka­ragdagang ebidensya upang masampahan ng kasong kriminal ang mga sangkot sa panibagong terorismo sa lalawigan. Joy Cantos

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

ANTONIO MEN

BASILAN

DICK ALAO

INIHAYAG

JOY CANTOS

MALUSO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with