Virus ng anthrax kumakalat... 2 katao dedo, 100 apektado

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang aabot naman sa 100 iba pa ang apektado dahil sa pagkain ng karne ng kalabaw na may sakit na anthrax sa bayan ng La­sam, Cagayan.

Ayon kay Dr. Danilo Alon­zo, Cagayan health officer, ang dalawa ay ka­p­wa residente ng Ba­rangay San Pedro, Lasam, Caga­yan kung saan mahi­git sa 100 iba pa ang ka­ni­lang minomonitor at gina­gamot dahil sa pagkain ng karne na kontaminado ng bacillus ng anthrax.

 “The spread of the di­ sease is already at epidemic proportions and we have to do all measures extraordinarily in order to contain the situation which may be declared as a calamity,” paha­yag kahapon ni Dr. Alonzo.

Kasalukuyang bineberi­pika pa ang pagkikilanlan ng dalawang nasawi at 100 residente mula sa nasabing bayan na apektado dahil sa patuloy na pagbebenta ng mga nakatay na karne ng kalabaw.

 “Apparently those who butchered the infected carabao still continued selling its meat, perhaps due to poverty, which in turn caused the outbreak in that very remote area,” dagdag pa ni Alonzo.

Samantala, aabot na­man sa 16 residente mula sa na­sabing barangay na si­na­sa­bing apektado ng bacillus ng anthrax ay nasa ­Ca­gayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City-Ca­gayan habang ang iba ay nasa Lasam District Hospital.

Nagpadala na ng mga anti-anthrax medicine, intravenous fluids at antibio­tics ayon na rin sa kahili­ngan ng Lasam municipal office upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Show comments