7 pusher nasakote

Batangas, Philippines — Pitong tulak ng droga ang naaresto ng mga awtoridad sa magkaka­hiwalay na operasyon sa Ba­tangas at Laguna kamaka­lawa.

Kinilala ang mga naares­tong suspek sa Batangas na sina Ronald Lam Laurena at Micahel Leus Marquis ng Barangay Poblacion Uno, Tanauan City.

Lima namang hinihinalang tulak ng shabu ang naaresto sa magkahiwalay na operas­yon sa Calamba City at San Pablo City noong Miyerkules at Huwebes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga ito na sina Lauro Lagdameo, 38, ng Ba­rangay Canlubang, Richard Ila­gan, 23, ng Barangay Pa­rian at Christina Chavez ng Barangay Parian ng Calamba City.

Tiklo din sa San Pablo City sina Aldrin Andor, 30, ng Barangay Felomina at Fer­dinand Madriaga, 49, ng Barangay Sta. Monica, San Pablo City sa isang buy-bust operation noong Huwebes sa Barangay San Juan. Arnel Ozaeta

Show comments