100 kabahayan naabo

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P1 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang 100 kabahayan kamakalawa ng hapon sa Sitio Tambisan, Brgy. Tisa, sa Cebu City, Cebu. Sa report ni Cebu City Fire Marshal Esmael Codilla, nagsimula ang sunog sa bahay ni Annie Sembrano na nagbebenta ng exotic na isda. Nahirapan rin ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil makikipot ang mga kalye at dikit-dikit ang mga bahay. Inaalam kung may kinalaman ang illegal tapping ng kuryente na posibleng sanhi ng sunog kung saan nasugatan si Anghel Tanaman. Joy Cantos

Show comments