MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga awtoridad ang dalawang bandidong Abu Sayyaf na pinaniniwalaang responsable sa pagdukot sa retiradong Army officer sa isinagawang operasyon sa Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat kahapon.
Sumasailalim sa tactical interrogation sina Ansar Yusop at Abraham Ibno na kapwa tauhan ni Kumander Ganih Marcial.
Ayon kay P/Chief Supt. Angel Sunglao, bandang alas-3 ng hapon noong Linggo nang masakote ang dalawa na sinasabing dumukot kay ret. 2nd Lt. Benjamin Almonte noong Pebrero 6 habang nangingisda ito sa karagatan ng Brgy. Manicahan sa Zamboanga City.
Gayon pa man, nailigtas ng mga awtoridad si Almonte sa hangganan ng R.T. Lim at Tungawan sa Zamboanga Sibugay dakong alas -9 ng gabi noong Biyernes. Joy Cantos