^

Probinsiya

30% bawas sa buwis ilalatag sa Gapo

-

OLONGAPO CITY – Inihayag ni Olongapo City Lakas-Kampi mayoralty bet Vicente “Vic” Magsaysay na pagtuunan niya ng pansin ang mga infrastructure project, libreng pagpa­patitulo ng lupa at mabayaran ang bilyun-bilyong utang sa kuryente ng lungsod, kasabay nito ay babawasan niya ng 30% ang binabayarang buwis ng mga kababayan sakaling siya ang palaring manalo bilang alkalde ng lungsod. Itutulak din ni Magsaysay ang entrepreneurship kung saan ay kukuha ng pondo sa mga ibinabayad sa buwis ng mamamayan.

Ang pahayag ni Magsaysay sinaksihan ng libu-libong residente at miyembro ng Columban College Faculty Association (CCFA) at youth leaders noong Lunes ng umaga sa Olongapo City. Wala ring palakasan sa kanyang planong pagbi­bigay ng libreng pagpapatitulo sa mga residente para magamit na puhunan sa negosyo. Kasabay nito, tatanggalin din ni Magsaysay ang garbage fee para makatipid ang mga residente at negosyante ng P55 hanggang P300 kada buwan.

 “Babaguhin natin ang dating patakaran na kapag hindi nagbayad ng garbage fee ay puputulan ng kuryente, dapat ay libre ang garbage collection, saka naniningil na nga sila, malaki pa ang utang sa kuryente,” ani Magsaysay.

Sa tala ng National Power Corporation, aabot sa P2.5 bilyon ang utang ng nasabing lungsod. Alex Galang

ALEX GALANG

BABAGUHIN

COLUMBAN COLLEGE FACULTY ASSOCIATION

INIHAYAG

ITUTULAK

KASABAY

MAGSAYSAY

NATIONAL POWER CORPORATION

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY LAKAS-KAMPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with