^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa alkalde nadakma

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Nagwakas ang mahabang panahong pag­tatago sa batas ng isa sa tat­long pangunahing suspek na bumaril at nakapatay sa alkalde ng Sta. Rosa, Laguna noong 2005 maka­­­ra­ang ma­­aresto ng pu­­lisya sa kanyang pinag­kukutaan sa bayan ng Lucban, Que­zon kama­­­kalawa.

Sumasailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Daniel Yason ng Purok 3, Barangay Aplaya, Sta. Rosa City. 

Ayon kay P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, si Yason na itinuturong suspek sa pag­patay kay Sta. Rosa Mayor Leon Arcillas ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Teodoro Solis ng Biñan Regional Trial Court Branch 25 matapos salakayin ang kanyang inu­upa­hanang apartment sa Greenville Subd. sa Ba­rangay Ayuti sa Lucban, Quezon.

Sa tala ng pulisya, lumilitaw na noong May 2005, si Mayor Arcillas, ka­sama rin ang security aide nitong si PO2 Erwin Rivera, ay pinagbabaril ng tatlong gunmen habang nagsa­sa­gawa ng mass wedding sa loob ng Sta. Rosa City Hall.

Si Yason, na nagta­tra­baho bilang staff volunteer organizer ng isang board member sa 1st District ng Quezon, ay nahaharap sa kasong direct assault with murder. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY APLAYA

DANIEL YASON

ERWIN RIVERA

GREENVILLE SUBD

JUDGE TEODORO SOLIS

MANOLITO LABADOR

MAYOR ARCILLAS

QUEZON

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with