Dinukot na ex-Army laya na

MANILA, Philippines - Matapos ang halos dala­wang linggong pagkakabi­hag, pinalaya na ang re­ti­radong sundalo ng Phil. Army sa Zamboanga Sibu­gay noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang pinalayang bik­tima na si ret. Army Sgt. Benjamin Almonte, 55, na ina­bandona ng mga kidnaper sa hangganan ng bayan ng RT Lim at Tungawan.

Dehydrated na ang bikti­ma nang matagpuan bunga na rin ng matinding gutom at hirap na tinitiis nito sa kamay ng mga kidnaper. Sa tala, ang biktima ay dinukot no­ong Pebrero 6 habang na­ngingisda sa karagatan ng Ma­nicahan sa Zamboanga City. Nilinaw naman ng mga opisyal na walang kapalit na ransom ang pagpapalaya sa bihag.  Joy Cantos

Show comments