^

Probinsiya

3 trabahador dedo sa kemikal

-

BATANGAS, Philippines — Kama­tayan ang naging kabaya­ran sa tatlong trabahador na sinasabing naglilinis sa loob ng lumang barko ma­karaang makalanghap ng kemikal noong Martes ng gabi sa bayan ng Bauan, Batangas.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Jhunel Almogera, 40, reservist ng Phil. Army; Charmeil Allego, 23, ng Ba­rangay San Juan, Mabi­ni, Batangas; at isang na­kilala lamang na Waray, 45.

Ginagamot naman sa Bauan Doctor’s Hospital ang iba pang trabahador na sina Gilberto Liverca, 29; Jayson Rodolfo, 28; at Roger Dela Pena, 60.

Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director, lumilitaw na kinontrata ng may-ari ng barge na si Nilo Bantugon ang mga biktima para mag­linis at kumpunihin ang lu­mang barkong may mar­kang Topangil na nakahim­pil sa Barangay Sta. Maria wharf nang makalanghap ng kemikal fumes mula sa basement ng barko ban­dang alas-4:30 ng hapon.

Nagtulung-tulong na­man ang kinauukulang ahensya ng lokal na pa­mahalaan tauhan para sa paglilikas ng 2000 resi­dente mula sa mga Baran­gay Sta. Maria, San Pedro, San Miguel at Barangay Bagilawa.

Pansamantalang inila­gak ang mga evacuees sa Bauan Technical High School sa Poblacion para sumailalim sa medical check-up.

Sa imbestigasyon ng BFP at PCG nakakita sila ng mga lata sa loob ng barge na may lamang curing agent na sinasabing kemikal na inihahalo sa pintura ng barko.

“Posibleng namatay ang mga biktima sa barge kasi naubusan na ng oxy­gen sa loob at ta­nging mga fumes ng che­mical ang kanilang na­langhap,” pa­hayag ni Dr. Ernesto Re­yes, health emergency management staff coordinator ng DOH Region 4A.

vuukle comment

ALBERTO SUPAPO

BARANGAY BAGILAWA

BARANGAY STA

BATANGAS

BAUAN DOCTOR

BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL

CHARMEIL ALLEGO

DR. ERNESTO RE

GILBERTO LIVERCA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with