Pulis grabe dahil sa syota

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang isang bagitong pulis na sinasabing ipinag­tanggol ang kan­yang syota makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na puwer­sahang humila at nam­bastos sa kaniyang nobya sa bayan ng Calinog, Iloilo kamakalawa. 

Ginagamot sa West Visayas  Hospital sa Iloilo City si PO1 Arjay Javellana na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Calinog at nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at baba.

Lumilitaw sa imbestigasyon na namamasyal ang nagkasin­tahan sa plaza nang kur­su­nadahin ng dalawang di-pa kilalang lalaki ang girlfriend ni PO1 Javellana na noon ay nakasibilyan. Sumaklolo naman ang pulis sa syotang si Jonna Belle Capoy subalit umalingawngaw ang sunud­sunod na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima. Joy Cantos

Show comments