Pulis grabe dahil sa syota
MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang isang bagitong pulis na sinasabing ipinagtanggol ang kanyang syota makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na puwersahang humila at nambastos sa kaniyang nobya sa bayan ng Calinog, Iloilo kamakalawa.
Ginagamot sa West Visayas Hospital sa Iloilo City si PO1 Arjay Javellana na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Calinog at nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at baba.
Lumilitaw sa imbestigasyon na namamasyal ang nagkasintahan sa plaza nang kursunadahin ng dalawang di-pa kilalang lalaki ang girlfriend ni PO1 Javellana na noon ay nakasibilyan. Sumaklolo naman ang pulis sa syotang si Jonna Belle Capoy subalit umalingawngaw ang sunudsunod na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima. Joy Cantos
- Latest
- Trending