Tinedyer dedo sa rambol

BULACAN , Philippines  - Isang tin­edyer ang kum­pirma­dong nasawi habang dala­wang iba pa ang nasu­gatan maka­raang mag­rambulan ang mag­kala­bang fraternity gang kama­kalawa ng gabi sa Brgy. San Manuel sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Kinilala ng pulisya ang napatay sa saksak si Jericho Fulo, 16, habang nai­sugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Luigi Timan 16, at Christian Paul Seran, 15, na pawang mga miyembro ng True Brown Style Fra­ter­nity ha­bang nakapiit naman ang mga suspek na sina Andrei Dela Cruz at John Mark Fernandez na kapwa mi­yem­bro ng Akhro Fra­ter­nity at pa­wang nakatira sa Pleasant Hills Subd., Brgy. San Manuel. Boy Cruz

Show comments