Nagbigti sa Valentine's Day

Camarines Norte, Philippines— Hindi na nairaos ang Valen­tine’s Day ng isang 53-anyos na mister makaraang magbigti sa punong kahoy sa likuran ng kanilang tahanan sa Purok 5, Barangay Magang sa bayan ng Daet, Ca­marines Norte kahapon ng hapon. Naisugod pa sa San­tissima Trinidad Hospital si Alexis Imperial subalit idi­neklarang patay. Hindi naman makapaniwala ang ina na si Aling Concepcion, sa ginawa ng kanyang anak na dinalaw pa naman niya para makasama sa Valentine’s Day. Itinanggi naman ng misis na may problema ang kanyang mister sa pamilya. Pinaniniwalaan naman ayaw makita ng biktima ang kanyang ina sa Valentine’s Day kaya nagpasalubong kay kamatayan. Francis Elevado

Show comments