Campaigner ng LP itinumba

MANILA, Philippines - Nabahiran ng dugo ang campaign period ma­tapos na pagbabarilin at mapatay ang isang political campaigner ng Liberal Party ng nag-iisang hindi pa nakila­lang armadong salarin sa Carmen, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Edwin Bandila, 49-anyos, campaign manager ng LP sa Carmen.

Naganap ang pama­mas­lang sa harapan ng Car­men Municipal Cemetery ban­dang alas-5:30 ng hapon.

Lulan ng motorsiklo ang biktima kasama ang kan­yang misis na si Lourdes pa­uwi sa ka­nilang tahanan sa Baran­gay General Luna sa bayang ito nang pag­ba­barilin ng hindi naki­lalang armadong suspek pagsa­pit sa nasabing lugar.

Ang suspek ay mabilis na tumakas matapos na mapas­lang ang naturang biktima.

Nabatid na si Bandilla ay malapit na kaibigan at taga­suporta ni North Co­tabato Vice Governor Man­­ny Piñol. Malu Manar

Show comments