MANILA, Philippines - Dalawang drayber ng trak ang napaulat na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa bahagi ng Barangay Bulating, sa bayan ng Maimbung, Sulu kamakalawa. Kinilala ang dalawa na sina Raja Harun at Jalal Alih na kapwa nakatira sa Patikul, Sulu at kawani ng construction firm na pag-aari ni Engineer Michael Abubakar. Sa report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na ang mga biktima ay naghahakot ng buhangin at mga bato nang maganap ang pagdukot ng grupo ni alyas Abon. Tinangay ng mga bandido ang truck ng dalawa kung saan sinunog sa bahagi ng Barangay Lapa sa nabanggit na bayan. Joy Cantos